Mapua, Baste magpapalakas sa Final Four

Tangka ng Mapua Institute of Technology na makalapit sa Final Four ng NCAA seniors basketball tournament sa pakikipag-harap sa San Beda Col-lege sa ala-una ng hapon sa Cuneta Astrodome.

Magpapalakas din ng kanilang tsansa sa semi-finals ang San Sebastian College Recoletos na ha-harap naman sa alanga-nin nang Jose Rizal University sa ikalawang seniors game sa alas-4:30.

Nasa ikatlong puwes-to ang Mapua na may 6-4 record sa likod ng mga semifinalists nang host Letran na may malinis na 10-0 kartada at defending champion Philippine Christian University na may 8-2 record.

Nasa ikaapat na pu-westo ang SSC Stags na may 5-5 record kasunod ang SBC Red Lions na may 3-7 kartada kasama ang mga walang laro ngayong Perpetual at College of St. Benilde habang nangungulelat ang Jose Rizal na may 2-8 win-loss slate.

Sa kaisa-isang juniors games sa alas-2:30 ng hapon, maghaharap ang SSC-R Staglets at JRU Light Bombers. (CVO)

Show comments