Baka pakawalan din ng Air21 si Washington

Ginamit ng Air21 Ex-press ang lahat ng pag-kakataon upang maka-lambat ng magagaling na players mula sa kabuu-ang 49 aspirante.

Hinugot ng Express si Fil-American Anthony Washington bilang No. 1 overall pick ng 2005 PBA Rookie Draft kahapon sa dinumog na Sta. Lucia East Grand Mall.

"I’m really looking for-ward to play in the PBA and with the Air21 Ex-press team," sabi ng tu-bong Zambales na si Washington. "Winning games is the most impor-tant thing for me and I will do everything to help my team."

Maliban sa 6-foot-6 na si Washington, kinuha rin ng Air21, gagabayan ng bagong head coach na si Bo Perasol, sa first round sina 6’2 Mac-Mac Cardo-na ng La Salle Green Ar-chers at 6’6 Niño ‘KG’ Ca-naleta ng UE Red War-riors.

"We still have to eva-luate everyone kung ano ang puwede nilang maitu-long sa team," wika ni Pe-rasol sa mangyayari sa Express na may kabuu-ang 16 players ngayon, kasama rito sina Ronald Tubid, Marlon Legaspi at Rensy Bajar ng nagba-kasyong Shell Turbo Chargers. "But the final decision will come from the management."

Ayon kay Perasol, ha-los lahat ng siyam na PBA teams ay gustong maku-ha ang serbisyo ni Wa-shington para sa darating na 2005 PBA Reinforced Conference na nakatakda sa Oktubre 2.

"Lahat ng offers ng ibang teams ay puro tempting. Hindi naman sila mag-o-offer na hindi namin magugustuhan. It should also be valuable to our team, otherwise, wa-lang mangyayari sa trade," ani Perasol.

Sinabi ni team mana-ger Lito Alvarez na maaari nilang ibigay si Washing-ton sa anumang koponan kung mabibigyan sila ng isang malakas na sentro at matalinong pointguard.

"No matter what, we have to unload four pla-yers from our team. Gusto ko muna silang (Washing-ton, Cardona at Canaleta) tingnan sa practice namin bago kami magdesisyon," ani Alvarez. "We can unload from our pool, sa mga dispersal draftees or sa mga rookies namin."

Nakuha rin sa first round sina Fil-Am guard Alex Cabagnot (Sta. Lu-cia), Dennis Miranda ng FEU Tamaraws (Coke), Jondan Salvador ng Montaña (Purefoods), Fil-Am forward Mark Holper (Ginebra), Paolo Hubalde ng UE Red Warriors (San Miguel) at Leo Najorda ng San Sebastian Stags (Red Bull).

Sa second round na-man napili sina Cesar Catli ng FEU Tamaraws (Sta. Lucia), Neil Raneses ng FEU-Magnolia (Coke), Al Magpayo ng St. Be-nilde (Coke), BJ Manalo ng La Salle (Purefoods), Larry Fonacier ng Ateneo (Red Bull), 6’8 Mark Kong (Alaska), Rey Mendoza ng NU Bulldogs (Sta. Lucia), Paolo Bugia ng Ateneo (Red Bull) at Mark Macapagal ng San Sebastian (Talk N Text).

Show comments