Ang 14-gulang na si Ross, three-time champion sa US Nationals ay nakabangon mula sa 0-3 deficit upang igupo ang pambato ng Rizal High School na si Marifi Gadit sa sudden death sa quar-terfinals bago niya dinispatsa si Aila Nam-Ay ng Navy, 2-0, sa semis upang makarating sa finals ng lightweight event sa junior ladies division.
Di naman nagpahuli si Lopez, galing din sa Northern California tulad ni Ross at isa sa mainstays ng US junior squad, nang kanyang igupo si Marsha Mae Ecaranum ng Cagayan de Oro City, 3-0 ma-tapos ang 6-0 panalo laban kay Nikki Te ng La Salle sa quarter-finals, upang isaayos ang show-down laban kay Rubylyn Mapa ng NTU-Tigers para sa gold medal sa welterweight division.
Dinurog naman ni Mapa si Shamara Noel ng Central Gym, 2-1, at Jenina Casipit ng Tip Top, 4-1, para makausad sa finals sa event na ito na nilahukan ng 21-jins mula sa U.S.
Sa mens side, naging magaan ang panalo nina Christian Chino Cruz at Theodore Sarmiento mula sa Northern California upang makausad sa finals ng welter-weight at middle-heavyweight divisions ayon sa pagkakasunod.
Ang 16-year-old at five-time US national champion na si Cruz ay nanaig kay Cris Angeles ng Rizal HS, 3-2, upang isaayos ang laban kontra kay Harold Martinez ng Baguio na nakaungos kay Ramil Remigio ng Letran.
Nanalo naman ang 17-anyos na si Sarmiento, 2002 Korean Open gold medalist, sa sudden death, kontra sa kanyang ka-teammate na si Daniel Del Castillo at makakaharap nito para sa gold medal si Archie Antonio ng Smash Power na nanalo kay Ausbert Sta. Ana ng Northern California, 3-0.