Bagong programa

Salamat sa suporta ng Philippine Sports Commission, may bago nang programa sa telebisyon na tutulong sa mga atleta't koponan natin na sasabak sa Southeast Asian Games at iba pang international competition.

Ang pamagat ng programa ay Sports Xpress, at mapapanood tuwing Sabado, ganap na alas-8:00 ng gabi sa IBC-13. Layon ng prog-rama na ipakilala sa madla ang mga nagsasakripisyo nating mga atleta, at ang mga plano't ka-salukuyang programa ng Philip-pine Sports Commission at Philip-pine Olympic Committee. Kasama din ang pagresolba sa mga isyu hinggil sa paghahanda sa iba-ibang labanan sa labas ng bansa.

Isa sa mga naipalabas na ay ang mga bagong-gawang mga kuwarto ng mga atleta natin sa PhilSports Complex. Dahil dito, 299 atleta na naghahanda para sa SEA Games ay maginhawa nang nakakatulog at nakakakain sa maayos na lugar.

Wala na silang iniisip na problemang personal.

Sa isa pang bahagi ng Sports Xpress, ipinakilala ang mga miyembro ng ating national women's volleyball team. Marami rin silang hamon sa pagsasanay.

Dahil marami sa kanila ay nag-aaral pa, hindi sila palaging naka-kapagsanay kasama ng buong team. Liban dito, nangyayari din na hindi natutuloy ang ilan sa kani-lang mga praktis, dahil may ibang national team na gumagamit ng gym na paglalaruan nila.

Nagunita rin sa programa ang pinagsamahan nila Johnny Abar-rientos, Marlou Aquino, Vergel Me-neses, Jun Limpot at Bong Ravena sa 1991 basketball team na naglaro sa huling Southeast Asian Games dito sa Pilipinas.

Maaalala ninyong dinaya tayo noong 1989 sa Kuala Lumpur, kaya't mainit ang dugo nating maka-pag-higanti. Pinagbuhusan natin ng galit ang Thailand, na nilampa-so ng mga bata ni coach Francis Rodriguez sa Araneta Coliseum.

Samantala, ipinaaalala rin ng Sports Xpress ang kadakilaan ni Stephen Fernandez, na nag-uwi ng bronze medal mula sa Barcelo-na Olympics.

Ngayon, coach si Fernandez sa Philippine team, at nangangarap na magkaroon ng isa pang katulad niya, na mag-uuwi naman ng kauna-unahan nating Olympic gold medal.

Isinalaysay pa ni Fernandez na, noon, halos isang daan lamang ang sumasali sa national taekwondo championship. Nga-yon, mahigit 1,700 na ang kalahok.

Isa pang magandang panoorin ay ang pagtuturo na ginagawa ng ating mga mahuhusay na atleta. Sa unang edisyon ng Sports Xpress, ipinaliwanag ni Weena Lim ang mga simpleng patakaran sa badminton.

Si Weena ang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Olympics sa kanyang sport, noong 1996 sa Atlanta. Pambihirang pagkakataon na mapanood siyang nagtuturo sa harap ng kamera.

Sa mga susunod na kabanata, bubuhayin ng Sports Xpress ang alaala ng mga atleta nating nagtagumpay noong nakaraan. Abangan tuwing Biyernes ng gabi, ganap na alas-800, sa IBC-13.

Show comments