"We have one diver from Illinois na specialist sa one-meter at three-meter event," sabi ni Joseph kay Paguia. "We expect na pagbalik niya dito he will be in good form."
Si Paguia ay sumabak sa nakaraang 2005 World Championships sa Mont-real, Canada kasama sina Fil-Am Miguel Molina, Miguel Mendoza at James Bernard Walsh.
Ang naturang torneo ang unang pinakamalaking sinalihan ni Paguia, ayon kay Joseph.
"Sanay lang kasi siyang sumali sa mga US NCAA competitions at ngayon lang talaga siya nakasali sa World Championship hindi kagaya nung tatlo (Molina, Mendoza at Walsh) na nakapag-Olympics sa Greece last year," ani Joseph.
Inaasahan ng PASA na gold ang makukuha ni Paguia sa paborito nitong one-meter diving event sa SEAG. (Ulat ni RCadayona)