Baste lumapit sa Final Four

Habang patuloy sa kanilang arangkada ang host Letran College, lumalapit naman sa isang tiket sa Final Four ang five-time cham-pions San Sebastian College.

Isang drive ni Red Vicente at dalawang freethrows ni Leo Na-jorda sa huling minuto ng final canto ang nag-hatid sa Stags sa 64-58 panalo kontra sa Altas ng University of Perpe-tual Help-System Dalta sa second round ng 81st NCAA men’s bas-ketball tournament ka-hapon sa Cuneta Astro-dome sa Pasay City.

Ang naturang tagum-pay ang naglagay sa San Sebastian sa ikaapat na puwesto sa kanilang 5-5 rekord sa ilalim ng Letran (10-0), nagdedepensang Philippine Christian Uni-versity (8-2) at Mapua Ins-titute of Technology (6-4).

Nagtala ang Stags ng 57-50 abante mula sa basket ni 6-foot-8 Francis De Leon sa 5:29 ng fourth quarter bago nakalapit ang Perpetual, may 3-7 baraha katulad ng San Beda at St. Benilde, sa 58-59 sa huling 1:27 nito buhat sa free-throws ni Vladymir Joe.

Isang drive ni Vicente at agaw ni Najorda kay Dean Apor para sa kanyang dalawang charities ang naglayo sa Stags sa 63-58 sa natitirang 39.9 segundo.

Samantala, umiskor naman ang Knights ng isang 68-58 pananaig sa Red Lions.

Sa high school division, tinapos naman ng nagde-depensang Red Cubs ang six-game winning streak ng Squires buhat sa kanilang 60-57 panalo para sa magkapareho nilang 7-2 kartada sa ilalim ng 7-1 ng lider na Staglets. (Ulat ni RCadayona)

Show comments