Ginto mula kay Martinez
August 13, 2005 | 12:00am
KAOSHIUNG Nilukuban ni Mitchell Martinez ang dalawang masasak-lap na pagkatalo ng mga Filipina pugs nang bigyan niya ng gintong medalya ang bansa sa 3rd Asian Womens Boxing Cham-pionships dito.
Nagtala si Martinez ng referee stopped contest outclassed kontra sa kanyang kalaban mula sa Indonesia na si Pranami-ka Borah.
Itinigil ng Indian referee ang laban sa ikala-wang round ng 60-kgs. division nang pakawalan ni Martinez ang sunud-sunod na 2-3 combination sa mukha na halos tumama lahat sa mukha kalaban.
Dahil dito, hindi uu-wing luhaan ang RP Lady Boxers na suportado ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, PSC, Accel at Pacific Heights sa pag-uuwi ng isang ginto at dalawang silvers mula kina Analiza Cruz at Gret-chen Abaniel na nabigo sa kani-kanilang laban.
"Sana po ay sa aming pinaghirapan ay nakatu-long man lang kami sa magandang pangalan ng ating bayan," wika ni Martinez.
Hindi naman nakaporma si Abaniel sa kanyang matinik na kalaban mula sa India na si Mc Mary-comm sa kanilang 46kgs. bout.
Natalo naman sa puntos si Cruz sa kanyang laban kontra kay Chen Chia Ling ng Chinese Taipei sa 52-kgs. class.
Binigyan ng mahigpit na hamon ni Cruz ang kanyang kalaban mula sa host country ngunit nana-lo sa score ng judges si Chen.
"Mahirap kalaban ang host pero magandang laban ang pinakita ni Ana," ani coach Boy Catolico sa laban ni Cruz.
Natuwa si Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez sa pagtata-pos ng mga Pinay boxers na aniyay isang magan-dang pangitain ito sa kani-lang kampanya sa nalalapit na SEA Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended