Pumasok na ikatlong Pinay na sasabak si Annaliza Cruz, maka-raang magwagi ito sa kalabang Haponesa sa 52 kgs. sa pamamagitan ng 30-12 iskor.
Nakipagdikdikan ng husto si Cruz, na naunang nagwagi sa Thai boxer na si Juatip Chuaseng noong unang araw na aksiyon sa pamamagitan ng count-back, sa first round pa lamang at agad na uma-bante sa 7-2 sa naturang round bago isara ang second round na may 9 puntos na bentahe, 15-6 para iparamdam ang kanyang dominasyon laban sa Haponesa.
Dahil sa panalo ni Cruz, makakasama niya sina Gretchen Abaniel at Mitchelle Martinez sa finals sa kanilang kam-panya na bahagi ng kanilang maigting na pagsasanay para sa pagho-host ng bansa sa 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.
Nagbigay din ito ng kasiguruhang makaka-pag-uwi ang mga Pinay boxers na ang biyahe ay hatid ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, Accel, Philippines Sports Commission at Pacific Heights, ng medalya.
Nakatakdang umak-yat sa finals si Abaniel upang harapin si Mc MaryComm ng India sa pinweight division habang makikipagpalitan ng ka-mao si first Asian gold medalist Martinez sa Indian din na si Prana-mika Borah sa lightweight category.