Asian Womens Championship: Isa pang Pinay umusad sa finals
August 12, 2005 | 12:00am
KAOSHIUNG--Higit na lumiwanag ang araw para sa kampanya ng Team Philippines nang isa pang Pinay ang umusad sa finals sa pagpapatuloy ng 3rd Asian Womens Boxing Championship dito.
Pumasok na ikatlong Pinay na sasabak si Annaliza Cruz, maka-raang magwagi ito sa kalabang Haponesa sa 52 kgs. sa pamamagitan ng 30-12 iskor.
Nakipagdikdikan ng husto si Cruz, na naunang nagwagi sa Thai boxer na si Juatip Chuaseng noong unang araw na aksiyon sa pamamagitan ng count-back, sa first round pa lamang at agad na uma-bante sa 7-2 sa naturang round bago isara ang second round na may 9 puntos na bentahe, 15-6 para iparamdam ang kanyang dominasyon laban sa Haponesa.
Dahil sa panalo ni Cruz, makakasama niya sina Gretchen Abaniel at Mitchelle Martinez sa finals sa kanilang kam-panya na bahagi ng kanilang maigting na pagsasanay para sa pagho-host ng bansa sa 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.
Nagbigay din ito ng kasiguruhang makaka-pag-uwi ang mga Pinay boxers na ang biyahe ay hatid ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, Accel, Philippines Sports Commission at Pacific Heights, ng medalya.
Nakatakdang umak-yat sa finals si Abaniel upang harapin si Mc MaryComm ng India sa pinweight division habang makikipagpalitan ng ka-mao si first Asian gold medalist Martinez sa Indian din na si Prana-mika Borah sa lightweight category.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended