^

PSN Palaro

Milagro sa Philsports

GAME NA! - Bill Velasco -
Maaawa ka talaga sa kalagayan ng ating mga atleta. Sira-sira ang mga kuwartong tinitirahan nila, mapanghi ang kapali-giran, giba ang mga pinto, nabubulok ang mga kisame, kinaka-lawang ang mga kama at halos bentilador lamang ang nagpa-palamig sa kanilang lugar. At, sa halip nito, inaasahan natin silang mag-uwi ng mga medalya.

Subalit hindi na ganoon ang situwasyon ngayon. Sa PhilSports, 299 atleta na ang maluwag na nakakahinga sa mga bagong-gawang kuwarto. Ang mga dating bodega at opisina ng ilang national sports association ay nagagamit na nila. May aircon ang bawat silid, at siguradong matitibay ang mga kama.

"The chairman (PSC Chairman Butch Ramirez) saw the urgent need to transfer the athletes from Rizal Memorial," paliwanag ni sports complex administrator Wilfredo Roldan. "So we renovated 25 rooms, so they would have a nice accom-modation."

Halos P220,000 lamang ang nagastos sa pagkumpuni sa bawat kuwarto. Napakalaki ng natipid dahil kumuha na ng sariling mga trabahador ang PSC. Sila na ang nangontrata ng mga welder, pintor at karpintero, at mabilis na natapos ang trabaho. Sa loob lamang ng dalawang buwan, tapos na ang 25 kuwarto. Lahat ay may aircon at apat na double-deck na kama. Inayos na rin ang lahat ng mga banyo.

"The athletes feel a sense of belonging, belonging to a team of winners," dagdag ni Roldan. "And here, there are no distractions, unlike in Rizal Memorial, where you have beer houses just outside the sports complex. We also have a very strict curfew. By 10 p.m., everyone has to be home."

Subalit hindi lamang mga tulugan ang ipinaayos ni Ramirez. Natural, nagugutom din ang mga atleta natin.

"Of course, when you have athletes, you need a cafeteria," ani Roldan. "So, we fixed the structure of the existing cafeteria, and even the kitchen. We knocked down some walls, so that there would be no division among the athletes."

At dahil dito, mas magaan ang loob ng mga atleta sa pagsa-sanay. Wala silang inaalala, at pakiramdam nila, inaalagaan sila ng pamahalaan.

"This will be an additional motivation for the athletes," pag-amin ni Roldan. "All the athletes who have transferred to the sports complex have been very happy."

Ngayon, alam na natin kung ano ang isa sa mga dahilan at mas nakakapahinga ang mga atleta natin, dahil sa malasakit ng pamunuan ng PSC.
* * *
Abangan bukas ng gabi ang bagong programang pampalaro, ang Sports Xpress, bawat Biyernes, alas-8:30 ng gabi, sa IBC-13.

ABANGAN

ATHLETES

CHAIRMAN BUTCH RAMIREZ

RIZAL MEMORIAL

ROLDAN

SPORTS XPRESS

SUBALIT

WILFREDO ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with