Alora pasok sa semis
August 11, 2005 | 12:00am
Kumana si Kathleen Eunice Alora ng De La Salle ng dalawang panalo kahapon upang makapasok sa semifinal round ng finweight division ng seniors womens category sa fourth Samsung Best of the Best National Taekwondo Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Pinatalsik ni Alora, national team mainstay si Princess Joy Mateo ng Far Eastern U sa Last 16 phase matapos na manalo sa bisa ng deduction, bago isinunod na biktima ni Ryza Caritatibo ng Davao, 4-0, 4-0 sa two-round, two-minute duel ng limang araw na tournament na magtatampok sa pinakamahuhusay na jins sa bansa gayundin sa mga sariwang talento na imomolde bilang susunod na superstars.
Makakasagupa ni Alora ang mananalo sa pagitan nina Gerika Larize Romero at Badha Catarig para makakuha ng slot sa finals ng 47-kg-and-below category, na isa sa event na inilinya sa centerpiece seniors class tournament na itinataguyod ng giant electronics firm Samsung sa ikaapat na sunod na pagkakataon.
Ang iba pang laban sa senior ay kinabibilangan ng mga Olympiad veteran na sina Tshomlee Go (flyweight) at Marie Antoinette Rivero (light welter-weight) ay kasalukuyan pang inilalaro habang sinusulat ang balitang ito, bago muling magbabalik ang aksiyon ngayong alas-10 ng umaga kung saan ang finals ay itinakda sa hapon.
Idaraos naman ang hostilidad sa juniors boys at girls bukas, habang ang sa grade school division, na magtatampok sa 21 bets mula sa San Francisco High sa California ay lalaruin sa Sabado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended