^

PSN Palaro

2 Pinay boxer umakyat sa finals

-
KAOSHIUNG – Naging maaliwalas ang ikatlong araw ng kam-panya ng Team Philip-pines na kapwa nagtala ng maningning na tagumpay sina pinweight Gretchen Abaniel at light-weight Mitchelle Martinez at makasiguro ng bronze medal sa pagpapatuloy ng 3rd Asian Women’s Boxing Championship dito.

Sa simula pa lang ng laban agad na ipinaram-dam ni Abaniel ang kanyang dominasyon tungo sa Referee-Stopped-Contest-Outscore na panalo laban sa Ja-panese boxer na si Kadokura Chiaki.

Sa pagtunog palang ng bell sa unang round, agad na pinupog ni Abaniel ang Haponesa ng sunud-sunod na kombinasyon at atake na walang nagawa ang kalaban makaraang itala ang 18-3 bentahe sa naturang round.

Ang tagumpay na ito ni Abaniel ay nagsiguro na rin sa kanya ng bronze medal at makakaharap niya si Mc MaryComm ng India sa finals.

Tulad ng inaasahan, dinomina ni Martinez, first Asian Women’s gold medalist, ang kalabang Vietnamese na si Dihn Thi Phuong Thanh tungo sa Referee-Stopped-Contest na panalo.

Binugbog ni Martinez ang Vietnamese sa pamamagitan ng solido at sunud-sunod na suntok hanggang sa maging groge ito at tuluyang ideklara ang tagumpay may 1 minuto at 45 segundo sa first round.

Makakaharap ni Martinez ang Indian na si Pranamika Borah sa finals para umasinta ng gintong medalya.

Aakyat naman sa ring si Annaliza Cruz sa 51 kgs. laban kay Japanese Yanase Asami at uma-sang makasama sa finals.

Asam ng tatlong Pinay boxers, na ang biyahe ay suportado ng FG Foun-dation, Ginebra San Miguel, Accel, PSC at Pacific Heights na makapag-uwi ng medalya at karanasan para maging bahagi ng kanilang maigting na preparasyon para sa 23rd Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre.

ABANIEL

ANNALIZA CRUZ

ASIAN WOMEN

BOXING CHAMPIONSHIP

DIHN THI PHUONG THANH

GINEBRA SAN MIGUEL

GRETCHEN ABANIEL

JAPANESE YANASE ASAMI

KADOKURA CHIAKI

MITCHELLE MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with