^

PSN Palaro

Bahala na si Cojuangco sa SEAG

-
Ipinagkatiwala na ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kay Philip-pine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr. ang pagha-handa ng 23rd Southeast Asian Games sa Novem-ber 27-December 5 kasa-bay ng kanyang panawa-gan sa sambayanang Pilipino na tumulong sa ikatatagumpay ng host-ing ng bansa sa naturang biennial meet.

Upang masigurong magiging maayos ang pagho-host ng bansa, ibinigay na lahat ng res-ponsibilidad kay Cojuang-co matapos makipagkita kay Pangulong Arroyo kamakalawa sa Malakan-yang.

Si Cojuangco ay itinalaga bilang chief executive officer ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) at gagampa-nan nito ang dating papel ni Secretary Obet Pag-danganan na mananatili pa ring Chairman at presi-ding officer.

Ang Philippine Sports Commission Chairman na si Butch Ramirez na-man ang itinalagang PHILSOC Chief operating officer.

Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa SEA Games kabilang ang marketing at financial operations ay dadaan kay Cojuangco at Ramirez.

Naabot na ng PHIL-SOC ang P800 milyong pondo na kinakailangan sa pagho-host ng bansa-- ang iba ay cash at ang iba ay ipinangako pa lamang --kabilang na dito ang P300 milyon mula sa social fund ng Pangulong Arroyo.

Ayon sa Pangulo, ito na lamang ang kanyang maibibigay para sa pag-ho-host ng bansa ngunit hinikayat niya sina Co-juangco at Ramirez na lumapit sa ibang ahensiya ng pamahalaan upang humingi ng pinansiyal na tulong.

"Sport is one of the things that everyone can do toge-ther, a universal undertaking that can translate into peace, unity and understanding. I call on all Filipinos to come forward and help carry the torch of cooperation and banner of the One Team Philippines," panawagan ng Pangulo.

Iginiit ni Cojuangco na bagamat medyo nahuhuli sa preparasyon, walang maka-kapigil sa pagtatanghal ng bansa sa biennial meet maging ang problemang political at fiscal crisis na kinakaharap ng bansa.

"Definitely we will push through with it," ani Cojuang-co. "We’d like to think that this is the best time for us to show our Bayanihan spirit," ani Cojuangco. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ANG PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN

BUTCH RAMIREZ

CARMELA OCHOA

COJUANG

COJUANGCO

COJUANGCO JR.

OLYMPIC COMMITTEE

ONE TEAM PHILIPPINES

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with