^

PSN Palaro

Ang bagong Fedex Express

SPORTS - Dina Marie Villena -
Nakakuha na ng bagong coach ang FedEx na gigiya sa Express sa pagpasok ng susunod na PBA Season.

Ang bubuo ng coaching staff ng Express ay pawang sa opisina na nila kinuha sa pangunguna ni Bo Perasol, ang Operation Manager for Global Accounts ng FedEx.

Tutulong kay Perasol sa kanyang kampanyang maibigay sa Express ang kanilang kauna-unahang korona sina coaching deputies Allan Gregorio (dating UP Maroons coach), Business Manager ng kapatid na kompanya ng Air21 na Corporate Air, kasama sina Ricky Dandan (dating Manila Metrostars coach) at Johny Tam (RP youth mentor), na kapwa naman Managers for Business Development ng Air21.

At dahil pawang mga empleyado na ng FedEx ang bumubuo ng coaching staff siguro naman tatagal na ito sa kanilang kanlungan dahil alam na nila ang policy ng kanilang kompanya maging ng basketball team management nila.

Pero sana naman maging linient ng konti at bigyan ng chance ang coaching staff na gawin ang kanilang nais gawin at hindi yung idinidikta para maging maluwag hindi lamang sa coaching staff kundi pati na rin sa mga players.

At dahil malapit na rin ang PBA Draft malaki ang tsansa ng Express na mapalakas ang kanilang team kung saan tatlong picks meron sila. Bukod sa pagiging Number 1, kanila rin ang No. 5 at 6.

Matunog na matunog na nga si Anthony Washington, ang mahusay na Fil-Am amateur player na nakalinya sa mga draftees.

Ooops! Teka nga, bakit gusto nila si Washington eh gayung isa sila sa ayaw ng may kahalong Fil-Am cagers ang lineup.

Gayun paman kung hindi si Washington dahil nga sa Fil-Am ito (gusto nila puro homegrown talents daw!) nakalinya naman sa kanilang pinagpipilian sina Mark Cardona, Jondan Salvador, Denok Miranda, Nino Cañaleta, Larry Fonacier at Neil Raneses.

O well, hintayin na lang natin kung sino at kung ano ang kanilang magiging kapalaran sa bagong lineup ng team at ng kanilang coaching staff.

Good-Luck!
* * *
Personal: Happy birthday sa aking dearest and sexy friend na si Jocelyn Rodillo sa Aug. 12 at kay Ninong Elmer Yanga (Aug. 13). Happy birthday din kay Emma Doroteo today.

ALLAN GREGORIO

ANTHONY WASHINGTON

BO PERASOL

BUSINESS DEVELOPMENT

BUSINESS MANAGER

CORPORATE AIR

DENOK MIRANDA

EMMA DOROTEO

FIL-AM

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with