Ipinakita ni flyweight Annie Albania ang kan-yang tikas makaraang igupo si Meena Kumari ng India, 21-10.
Maaga pa lamang ay nanalasa na si Albania at kontrolin ang unang round sa 8-1 bentahe.
Matindi at solidong kombinasyon ang ibinigay ni Albania sa Indian na naging maingat sa open-sa hanggang sa tuluyang yumuko sa Pinay.
Inirehistro naman ni junior bantamweight Annalisa Cruz ang panalo kontra sa Thai na si Juaitip Chuaseng sa pamama-gitan ng countback maka-raang magtabla ang dala-wa sa 16-all iskor sa pag-tatapos ng laban.
Bagamat dinomina ng mas matangkad na Thai ang una at ikalawang round, gumawa ng kata-pangan na atake ang Pinay sa ikatlong round upang matabunan ang 5 point bentahe ng Thai sa panimula ng ikatlong round.
Hindi naman naging masuwerte si ligthfly-weight Jennifer Peking na yumuko sa mas matang-kad na Korean boxer na si Jong Hyang sa pama-magitan ng RSC-OS may 1:48 seconds pa sa ikala-wang round.
Mabilis na footwork at siyentipikong pamama-raan ang ginamit ng Koreana na sinabayan ng mahusay na kombinas-yon sa suntok para ipala-sap sa Team Philippine na ang biyahe ay pinon-dohan ng First Gentle-mans Foundation at box-ing godfather Ginebra San Miguel sa suporta ng Accel, Philippine Sports Commission at Pacific Heights, ang kanilang unang kabiguan sa unang araw ng torneo.
Tatlo pang Pinay ang nakatakdang sumalang-- sina first Asian Womens lightweight gold medalist Mitchelle Martinez, pin-weight Gretchen Abaniel at bantamweight Jouvilet Chilem na bahagi ng kani-lang pagsasanay para sa nalalapit na SEA Games na iho-host ng ban