^

PSN Palaro

Pagkilala ng PSC sa PBF hindi kailangan sa pagkuha ng rekognisyon ng FIBA

-
Hindi masyadong makaka-apekto sa inaasam na international recognition ng Philippine Basketball Federation (PBF) ang pagbibitin ng pagkilala sa kanila ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang isang National Sports Association (NSA).

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Robert Aventajado na ang rekognisyon mula sa FIBA ang mahalaga pa rin para sa PBF.

"Actually, ang recognition ng PSC ay hindi requirement ng FIBA para ma-process ‘yung application for membership ng PBF," ani Aventajado. "Parang added value lang sa PBF so to speak kung at this point, while they are seeking FIBA recognition, meron na rin silang PSC recognition."

Matatandaang ibinitin ng PSC ang kanilang pagkilala sa PBF, pinamumunuan ni dating Asian Basketball Confederation (ABC) secretary-general Moying Martelino, habang wala pang desisyon ang FIBA hinggil sa aplikasyon ng PBF.

"Siguro naisip din nila na hindi pa dapat bigyan ng support ang PBF while waiting for the FIBA recognition," ani Aventajado.

Binigyan ng POC ang PBF ng ‘conditional recognition’ sa idinaos na General Assembly kamakailan habang hinihintay ang desisyon ng FIBA.

Pinag-aaralan pa rin ng FIBA ang isinumiteng dahilan ng POC kaugnay sa pagsibak nito sa Basketball Association of the Philippines (BAP) ni Joey Lina.

Hangad ni Martelino, kasalukuyang nasa Hongkong kung saan nakipagkita sila kay FIBA-Asian president Carl Ching Menky, na kaagad na makuha ang basbas ng FIBA bago ang 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre para maidepensa ng RP men’s team ang kanilang korona. (Russell Cadayona)

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

AVENTAJADO

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CARL CHING MENKY

FIBA

GENERAL ASSEMBLY

JOEY LINA

MOYING MARTELINO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PBF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with