Ngayong nasa trangko na ang bagong coach na si Koy Banal, nagkaroon ng saysay ang pagsisikap ng 6-foot-5 na si Paterno nang makapagsubi ng dalawang sunod na panalo ang Red Lions para sa magandang simula ng kanilang kampanya sa ikalawang round.
Walang sawa sa pagbubuhat ng team si Paterno na nasa kanyang ikaapat na taon na ng paglalaro sa San Beda upang banderahan ang Red Lions sa pagsulong sa 3-6 kartada sa ikalawang round ng eliminations makaraan ang na-kakadismayang 1-6 pagtatapos sa first round para igawad sa kanya ng NCAA Press Corps ang Player of the Week citation.
Bilang magandang pagtanggap kay Banal na pumalit kay Nash Racela sa pagmamando ng Bedans, humataw ng 27-puntos, 12 rebounds at 3-shot blocks si Paterno upang pamunuan ang Red Lions sa 78-72 pamamayani laban sa defending champion Philippine Christian University.
Bagamat nagkaroon ng sprained left ankle sa ikalawang quarter ng kanilang laban kontra sa San Sebastian College-Recoletos, hindi ito nakapigil para kay Paterno para sa 69-63 tagumpay sa kanyang pag-aambag ng 15-points, 7-rebounds at tig-isang as-sists, steal at block.
"Talagang nagpumilit siyang maglaro kahit na nagka-sprained ankle na siya kaya 3-to-4 days siyang may temporary cast," wika ni Banal, coach ng 2004 UAAP titlists FEU Tamaraws at runner-up noong nakaraang taon matapos isuko ang titulo sa La Salle. "Si Jerome makikita mo yan na nagtratrabaho at both ends of the floor."(Ulat ni CVOchoa)