^

PSN Palaro

Masakit ang pagkawala ng Shell

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Marami rin ang nalungkot sa pagkawala ng Shell Velocity sa Philippine Basketball Association. Dalawampung taong naging kapamilya ng PBA ang Shell at lahat ito’y magiging bahagi na lamang ng alaala.

Sabihin na nating nag-file lang ng leave of absence ang Turbo Chargers at hindi tuluyang tumiwalag, pero tila malabo na itong bumalik. Kasi nga’y iba na ang direction na gustong tahakin ng Shell hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide.

Masakit para sa PBA na mawalan ng isang miyembro at hindi makakuha ng kapalit. Kasi nga’y bababa sa siyam ang bilang ng mga koponang kasali sa susunod na season.

Maraming implications ito. At ang pinakamalaking implication ay ang katotohanang talagang mahirap ang buhay ngayon.

Oo’t hindi naghihirap ang Shell. Pero dahil sa walang team na pumalit sa Turbo Chargers, ibig sabihin ay walang kumpanyang gustong pumasok sa PBA sa mga panahong ito kung kailan gipit talaga tayo. Tuloy ay naisip ko ang napag-aralan ko sa isang subject sa college. Tila isang malaking contradiction ang nangyari.

Kasi, sa isang subject ko ay mayroong isang case study na nagsabing sa mga panahon kung kailan ang ekonomiya ng isang bansa ay lumaylay, mas kailangan ng advertising. May dalawang kumpanyang naging paksa ng case study at hindi ko na babanggitin ang pangalan ng mga ito.

Sa panahon ng economic crisis, ang isang kumpanya ay nagdesisyong bawasan ang advertising budget nito samantalang ang isang kumpanya ay nagdesisyong dagdagan pa ang advertising budget.

Resulta: Nang matapos ang economic crisis ay tuluyang bumagsak ang kumpanyang nagbawas ng advertising budget dahil sa kakaunti na lamang ang nakarinig ng pangalan nito sa panahon ng taghirap. Ang kumpanyang nagdagdag ng advertising budget ay nanatiling buhay at lalo pang lumakas dahil sa nanatili ito sa isipan ng mga tao sa panahon ng kagipitan.

Okay pa naman ang siyam na koponan sa PBA. Dahil nga sa pagdi-disband ng Shell ay medyo mababalanse pa ang mga naiwang teams. Lumakas ang ilan sa kanila dahil sa pinagpiyestahan nila ang mga manlalarong naulila ng Shell Velocity.

Ang siste’y marami ang mawawalan ng trabaho. Ipagpalagay na nating 12 ang manlalaro ng Shell at hindi pa kabilang dito ang mga reserves. Nai-trade ang ilan sa kanila at kumuha ng kapalit na players na paso na ang kontrata. Ang mga ito ay malamang na hindi na makalipat sa ibang teams.

Sa isang linggo ay gaganapin ang Annual PBA Rookie Draft kung saan higit sa 50 amateur players ang nagsumite ng application. Suwerte na siguro kung 20 manlalaro ang makuha sa Draft. Swerte na rin kung ang mga ito’y mapapapirma ng kontrata.

Anu’t anuman, fixed na ang bilang ng mga manlalaro kada team at hindi na ito madadagdagan. Kung may baguhang kukunin ang mga PBA teams, may mga beteranong ilalaglag. Saan pupulutin ang mga ito?

Kailangan na talagang maghigpit ng sinturon.

Ang nangyari sa Shell at ang pagkakabawas ng isang miyembro sa PBA ay isang senyales na lalong babagabag sa mga Pinoy!
* * *
BELATED birthday greetings kay Serge Alombro ng San Miguel Corporation. Siya ay nagdiwang kahapon, Agosto 5.

ISANG

KASI

PBA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SHELL

SHELL VELOCITY

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with