^

PSN Palaro

Sweep sa first round ng UAAP men's volley tangka ng UP

-
Sisikapin ng University of the Philippines na masungkit ang panalo upang ma-sweep ang first round ng UAAP Season 68 men’s volley-ball tournament kung saan makakasagupa nila ang Adamson U bukas sa UP gym sa Diliman.

Taglay ng Maroons ang 4-0 kartada matapos nilang igupo ang Ateneo, 25-19, 25-21, 25-20 noong nakaraang Martes at muling papagitna sa alas-9:30 ng umaga para tipanin ang Falcons.

Ang iba pang sagupaan ay magtatampok sa Santo Tomas U laban sa NU sa alas-8:30 ng umaga, habang magbabanatan ang De La Salle at UE sa ala-1 ng hapon at magkikita ang FEU at Ateneo sa alas-2.

Nagkaroon naman ng three-way tie para sa liderato sa women’s side matapos na magtabla ang defending champion De La Salle, FEU at Adamson sa 4-1 record.

At ito ang kanilang kakalasin ngayon kung saan makikipagkita ang Lady Falcons sa Lady Tig-resses sa alas-9:30 ng umaga, bago sasagasupain ng Lady Tamaraws ang Lady Eagles sa ala-1 ng hapon.

Sa iba pang laban magsasalubong ng landas ang De La Salle at NU sa alas-2, habang sa buwenamanong laro magtitipan ang UE at UP sa alas-8:30 ng umaga.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON U

ATENEO

DE LA SALLE

LADY EAGLES

LADY FALCONS

LADY TAMARAWS

LADY TIG

SANTO TOMAS U

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with