Matatandaan na pinasargo ni Gabica ang korona ng huling idaos ang nasabing tournament noong nakaraang taon kung saan kanyang ginapi si Orcullo. Ito ang nagbigay daan sa dalawa para kunin ang top spot.
Base sa format ng sagupaan, ang top players sa bawat yugto ang aakyat sa finals kasama ang iba pang walong top qualifiers noong nakaraang taon na sina Ronnie Alcano, Ramil Gallego, Warren Kiamco, Gandy Valle, Alladin Duloa at Roberto Dy.
At sa finals, makakasagupa na ng mga nabanggit ang mga World Pool champions na sina Efren Bata Reyes, Francisco Django Busta-mante, Alex Pagulayan at Marlon Manalo sa Oktubre 19-23 sa Robinsons Galleria.
"Through the qualifying phase mabibigyan natin ng pagkakataon na lumabas ang galing ng iba pa nating mga players," wika ni Puyat Sports president Aristeo Putch Puyat. "Maipapakita rin natin na kaya nating tapatan man for man ang kahit na anong bansa pag-dating sa bilyar."
Ito ang torneo na sinalihan noon ni Manny Pacquiao na bumalik buhat sa tatlong pagsubok upang makasali sa main draw kung saan siya nabigo sa kamay ni Gandy Valle sa first round.