3rd win dinagit ng Blue Eagles: Maroons bumangon
August 5, 2005 | 12:00am
Dinagit ng Ateneo Blue Eagles ang ikatlong sunod na panalo habang bumangon naman ang University of the Philippines mula sa dala-wang sunod na kabiguan sa pagpapatuloy ng UAAP mens basketball tournament sa Araneta coliseum kahapon.
Sinakmal ng Blue Eagles ang ang 65-63 panalo laban sa University of the East habang pinasadsad naman ng Maroons ang host Adamson U Falcons, 77-61 sa naunang seniors game.
Napigilan ng Ateneo ang malakas na oposisyon ng UE Red Warriors sa ikaapat na quarter nang muntik nang maubos ang kanilang 16 puntos na abante, upang maipreserba ang tagumpay na nagsulong sa kanila sa 4-2 karta.
Ito ay nagbunga ng three-way tie sa ikalawang posisyon kasama ang kanilang biktima at ang UP Maroons, sa likod ng nangungunang Far Eastern University na may malinis na 6-0 baraha.
Naupos ang 58-42 kalamangan ng Ateneo nang pakawalan ng Red Warriors ang 21-7 run sa pangunguna ni Mark Borboran na kumamada ng 11 puntos sa kanyang tinapos na 18 puntos upang makalapit sa 63-65 mula sa basket ni Earl Saguindel, 3.7 segundo na lamang ang nalalabi.
Nabigong makaagaw ang Warriors at nakakuha ng foul si JC Intal mula kay Saguindel na na-fouled out at di na niya kinailangang ipasok ang free-throws dahil .8 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Sa unang laro, binanderahan ni Axel Duruelo ang UP Maroons sa pagkamada ng game-high 26 puntos bukod pa sa 13 rebounds upang ipalasap sa Adamson ang ikatlong sunod na talo na naglaglag ng kanilang baraha sa 2-4.
Sa juniors division, sumulong ang defending juniors champion Ateneo Blue Eaglets sa 5-1 record matapos igupo ang UE Pages, 89-67 habang umangat naman ang UP Integrated School sa 4-2 kartada matapos ang 66-63 pananalasa sa Adu Baby Falcons. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended