Ito ang siniguro mismo ng bagong director na si Maria V. Montelibano, ang isa sa itinalaga ng Philippine SEA Games Organi-zing Committee (PHIL-SOC) na siyang mangasiwa sa opening at closing ceremonies sa pinakamalaking sports spectacle sa rehiyon na nakatakda sa Nov. 27-Dec. 5.
Hinirang naman ang musician at composer na si Ryan Cayabyab na musical director ng dala-wang event kung saan ang 60-man San Miguel Corporation Philharmonic Orchestra ang siyang magpapasigla sa inaasahang pagdagsa ng mga manonood sa Quirino Grandstand.
Maraming surprise guest at performers ang inaasahang makikibahagi sa special na dalawang oras na palabas na tatam-pukan ng makulay na fireworks.
Magkakaroon rin ng parehong grand celebration na sabay-sabay na idaraos sa satellite venues sa Bacolod, Cebu at Subic Bay Freeport.
Si Montelibano rin ang co-director ng show na dadaluhan ng mga sikat na artists at event director na si Robert Tongco.
"Its an event to re-member, thats what we can assure. We will left no stone unturned to make the event a success," ani Wowie Meloto, para kay Montelibano.
At dahil sa gagawing pagtitipid, hindi gaanong magarbo ang opening ceremony gaya ng iprini-sinta sa nakaraang Vietnam SEA Games o sa iba pang nakalipas na international meets.
Ngunit sinabi ni Meloto, na dahil sa creativity, inaasahan niyang magandang lalabas ang nasabing selebrasyon.
"We Filipinos are a very creative people, so we will use this talent to overcome our lack in modern technology," ani pa ni Meloto.
Idinagdag pa ni Me-loto, ang committees-co-chairwoman na maliban sa fireworks display, mag-kakaroon ng native dance number na ipe-performed ng mga mag-aaral at out-of-school youths sa ilalim ng National Youth Com-mission (NYC).
Naglatag rin ang committee ng tinatawag na Higantes gaya ng ginagamit sa parada sa isang kapistahan sa Laguna.
"Gagawin nating fiesta ang kasiyahan. Yung kakulangan natin sa mga modern equipments, ba-bawiin natin sa masayang pagtatanghal. Yung pagi-ging creative natin, yun ang ipakikita natin sa ating mga bisita. We assure the Filipino people na hindi tayo mapapahiya," ani pa ni Meloto.
Nakalinya sa prog-ram activities ang tradisyunal na parada ng 12-member delegation at ang traditional na pag-iilaw ng SEA Games cauldron.