Shell, nag-leave-of-absence sa PBA
August 3, 2005 | 12:00am
Hindi pa magdi-disbanda ang Shell ngunit humingi sila ng permiso mula sa Board members ng Philippine Basketball Association na payagan silang makapag-leave-of-absense.
Sumang-ayon ang PBA Board in principle sa kahilingan ng Shell sa ginanap na monthly board meeting kahapon na ginanap sa opisina ng San Miguel Corporation na pinangunahan ng bagong chairman na si Ely Capacio mula sa San Miguel.
Desidido na ang Shell na iwanan ang liga kayat sinikap nilang ibenta ang kanilang prangkisa sa isang team mula sa Philippine Basketball League ngunit hindi nagbunga ang negosasyon.
Hindi nagkasundo sa presyo ng bentahan ng prangkisa ang Shell at ang kanilang ka-negosasyong Harbour Centre, isang multi-million port at shipping company kayat napilitan ang Turbo Chargers na mag-leave-of-absense na lamang.
Ayon kay PBA Commissioner Noli Eala, ipopormalisa ng Shell ang kanilang application para sa leave-of-absense ng isang taon, sa Biyernes.
Dahil dito, kailangang idispatsa ang mga players ng Turbo Chargers at kailangan ding magbago ng format ang PBA dahil siyam na koponan na lamang ang natitira.
Ayon kay PBA Commissioner Noli Eala, maghahanda ang PBA ng contingency plan para sa dispersal draft. Maaaring isasabay na lamang ang dispersal draft sa PBA Annual Draft na gaganapin sa Agosto 14 sa Sta. Lucia East o magkakaroon ng special draft.
Kabilang sa mga bigating players ng Shell ay sina Rookie of the Year Rich Alvarez at Tony De la Cruz na sinisikap na mai-trade sa Alaska kapalit nina Rob Duat, Eugene Tejada at isang first round pick.
Mayroon ding nilulutong trade ang Turbo Chargers sa Coca-Cola kung saan ibibigay nila si Billy Mamaril kapalit ni Gilbert Lao.
Magkakaroon ng 9-team format ang PBA para sa susunod na season na bubungaran ng import Conference bago ang All-Filipino Confe-rence.
Ayon kay Eala, itinakda ang height limit sa import na 6-foot-6 para sa unang kumperensiya. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended