Santos, UAAP Player of the Week
August 2, 2005 | 12:00am
Sa simula pa lamang ng ika-68 edisyon ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Basketball Tournament, marami na ang nagduda kay Arwind Santos kung maglalaro pa ito ng maayos gaya ng kanyang ginawa sa kanyang mga naunang taon sa Far Eastern University gayong mayroon na siyang plano na umakyat sa professional league.
Kahit isinakripisyo ng naka-raang taong MVP ang kanyang tsansa na makasali sa darating na PBA Draft sa Agosto 14 gayong eligible na siya para dito ay hindi pa rin siya nakaiwas sa ilang mga kritiko na pinagdududahan ang kanyang sinseridad sa paglalaro para sa FEU.
Ngunit sa kanilang nakaraang pakikipagtuos kontra sa defending champion De La Salle University noong nakaraang Linggo sa Araneta Coliseum, lahat ng mga hindi magandang iniisip ng ibang tao ay kanyang pinalis nang pamunuan niya ang Tamaraws tungo sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.
Sa naturang laro, nagtala ang 67 na si Santos ng kanyang season high 21-points, 11 re-bounds, 1 assist, 1 steal at 4 shot-blocks para pamunuan ang kanilang 69-62 tagumpay laban sa Green Archers na siya namang naging dahilan upang mahirang siya bilang UAAP Player of the Week.
"Talagang pinili ko na maglaro pa para sa FEU. Ano ba yung isang taon para sa sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin," pahayag ng 4th year management student na si Santos patungkol sa kanyang mga kamag-aral at sa buong FEU community na siyang humiling upang maglaro pa siya ngayong taon sa FEU.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am