Gaano kahanda ang bansa sa pagho-host ng SEA Games?
August 2, 2005 | 12:00am
Handa na raw ang bansa sa pagho-host ng ika-23rd edisyon ng Southeast Asian Games.
Yan ang ilan sa mga unang pahayag ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC).
Sa sobrang kahandaan, wala ka man lang makita sa mga pangunahing lansangan na magbibigay pahiwatig sa ating mga kababayan na dito sa ating bansa gagawin ang SEA Games.
Bukod dito, wala man lang balita tungkol sa paghahanda ng PHILSOC sa opening ceremonies na isa sa pinaka-highlights na bawat SEA Games.
Kung hindi ako nagkakamali, noong bago ganapin ang SEA Games sa Vietnam, maraming news kang makukuha sa kanilang website at pati na rin mga fotos, tulad ng mga batang nagpa-praktis ng mga sayaw o kantahan na bahagi ng programa ng opening ceremony, mga venues at maging ang logos at emblem.
Pati ang SEA Games theme song, dapat naririnig na ito. Ang mga souvenir items, dapat may nabibili na sa mga department stores para sa mga maagang turistang dumadayo sa ating bansa na hindi rin makakaabot sa SEA Games.
Pero lahat ng ito ay walang ingay.
Sabi nila, hindi raw makapag-ingay dahil kulang sa pera. Eh noong una pa man ay alam na nating kulang sa pinansiyal na pangangailangan ang bansa. May nakapagbulong pa nga sa akin na mismong ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay atubili na ituloy ang pagho-host natin sa SEA Games dahil sa problemang pinansiyal.
Nakaka-alarma dahil sa nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, baka pati na rin sa sports ay mapahiya pa tayo.
Huwag naman sana.
Tatlong buwan na lang ang hihintayin natin para sa SEA Games, pero bakit tila hindi pa rin kumikilos ang kinauukulan para naman sana kahit dito ay makabangon ng konti si Juan dela Cruz.
Siguro dapat, totohanin na nila ang pagsasagawa ng sinasabi nilang SEA Games blitz ngayong Agosto.
Sige na kilos na kayo at huwag puro ngawa.
Masakit sa bawat Pilipino kapag pumalpak tayo sa pagho-host. Siyempre karamay ang kaban ng bayan dito na nanggaling sa bawat maliliit na Pinoy na nagbabayad ng kanilang mga tax.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended