Rizal Memorial Sports Complex, binisita ng Singaporean at Malaysian officials
August 2, 2005 | 12:00am
Pinapurihan ng mga Chef de Mission ng Malaysia at Singapore ang pagpupursige ng Philippine SEAG Organizing Committee (PHILSOC) upang maging maayos ang 23rd Southeast Asian Games.
Bumisita kahapon sa bansa sina Low Beng Choo, ang Chef de Mission ng Malaysia at si Tood Vladich ng Singa-pore upang inspeksiyunin ang mga ibat-ibang venues na pagdarausan ng mga event ng biennial meet na gaganapin sa Nobyembre 27-hang-gang Disyembre 5.
Inikot ng dalawang sports officials ng kapit-bahay na nasyon ng bansa ang baseball, lawn tennis at athletics oval sa Rizal Memorial Sports Complex at ang table tennis na gagawin sa Ninoy Aquino Stadium.
"Everything is well and great. The Committee is working very hard to finish everything on time," ani Low.
Gaya ni Low, natuwa rin si Todd sa kanyang pagbisita sa RMSC kung saan, habang isinusulat ang balitang ito, nagtungo naman sa PhilSports Area ang dalawa upang doon naman mag-inspeksi-yun.
Kasama ng mga nasabing opisyales sina PSC chairman Butch Ramirez, Congressman Harry Angping, Philab president Hector Nava-sero,at ang sec-gen ng athletics na si Ben Silva-Netto.
Nakatakdang magtungo naman sa Agosto 4-5 sa Cebu at Bacolod ang dalawa, habang sa Agosto 6 naman ang kanilang balik sa kani-kanilang bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended