Dolphins sinakmal ng Red Lions
August 2, 2005 | 12:00am
Bagong head coach para sa bagong pag-asa ng San Beda Red Lions.
Sa paggiya ni mentor Koy Banal, sinorpresa ng Red Lions ang nagdedepensang Dolphins ng Philippine Christian University, 78-72, sa pagdribol ng second round ng 81st NCAA mens basketball kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
"I want to give all the credits to coach Nash Racela," sabi ni Banal, naghatid sa FEU Tamaraws sa korona ng 2003 UAAP, sa nasibak na mentor ng Red Lions, may 2-6 kartada ngayon. "Wala akong ginawang bagong sistema sa team. Lahat ito ay puro kay coach Nash."
Nakabangon ang PCU, may 6-2 rekord mula sa two-game losing skid, sa 69-75 agwat sa huling 1:54 ng final canto galing sa 44-61 pagkakaiwan sa 2:01 ng third period bago ang jumper ni Jerome Paterno na naglayo sa San Beda sa 77-69 sa natitirang 49.3 segundo rito.
Sa isa pang laro, humakot si Leo Najorda ng 14 puntos, 11 boards, 2 assists, 1 steal at 1 shotblock upang tulungan ang San Sebastian sa 63-49 paggupo sa St. Benilde para sa kanilang 4-4 baraha.
Kinuha ng Stags ang isang 13-point lead, 27-14, sa pagsilip ng second quarter hanggang ibaon ang Blazers, may 3-5 baraha ngayon kasama ang five-game losing slump, sa 56-36 sa huling 1:06 ng third period buhat sa isang 3-point shot ni Jim Viray.
Sa high school class, binigo ng nagdedepensang San Beda Red Cubs (6-1) ang PCU Baby Dolphins (1-6) buhat sa 89-47 panalo, habang giniba ng San Sebastian Staglets (6-1) ang La Salle Greenies (2-5) mula sa 70-64 pananaig.
Samantala, nagpakalat na ang NCAA Management Committee ng ilang personnel security kaugnay sa sinasabing game fixing.
"Siyempre, kahit na mahirap patunayan, nag-deploy pa rin tayo ng ilang security personnel," sabi ni NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo ng Letran. "We want to make sure na wala talagang ganyang nangyayari sa liga natin." (Ulat ni Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended