Matapos pabagsakin si Kengkarun sa second round ay dinomina ni Gorres, tubong Cebu, si Kengkarun upang maku-ha ang unanimous deci-sion sa tatlong judges. Lahat ay umiskor ng 100-88.
Ngayong nanalo muli si Gorres ay lalo lamang tumingkad ang tsansa nitong mapalaban sa Orient-Pacific Boxing Federation title sa isang taon.
Bago talunin ni Gorres si Kengkarun ay halos hindi ito pinagpawisan ng pabag-sakin si Glenn Donaire, isang US-based Filipino sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas noong Marso 19.
Bagamat ang laban ni Gorres ang siyang pinanood ng marami, nagnakaw na-man ng atensyon ng lahat ang laban nina Joel Bauya at Michael Domingo para sa Philippine bantamweight title.
Itinigil ng referee ang laban sa ika-siyam na round matapos magtamo ng sugat sa kanang mata si Domingo matapos magkasalpukan ng ulo. Ang isa namang sugat sa may bandang mata ni Domingo ay gawa naman ng lehitimong suntok ni Bauya.
Dahil nga tinigil ang laban at sa scorecards bumagsak ang desisyon at naging kabigla-bigla ang naging resulta ng laban.
Dalawang hurado ang pumabor kay Domingo at isa ay pumabor naman kay Bauya.
Nagwala ang manager at trainer ni Bauya na si Emil Romano matapos marinig ang desisyon subalit wala na itong nagawa kundi umalis na lamang.
Lamang sa laban si Bauya ng itigil ang laban ayon sa mga manonood kayat marami ang nagtaka kung bakit naging kasindak-sindak ang desisyon.