PCU magsisimula uli

Dapat nang kalimutan ng defending champion Philippine Christian Uni-versity ang masamang pagtatapos ng kanilang kampanya sa unang round ng eliminations at muling magsimula ng panibagong winning streak sa pagbubukas ng second phase ng NCAA men’s basketball tourna-ment sa Cuneta Astro-dome.

Mahirap makalimutan ang 64-70 pagkatalo laban sa host Colegio de San Juan de Letran sa kanilang huling asignatura sa unang round noong nakaraang linggo na sumira ng kanilang mali-nis na katayuan matapos ang anim na sunod na panalo.

Pagbubuntunan ng galit ng PCU Dolphins ang San Beda College na una nilang asignatura sa second round sa alas-6:00 ng gabing sagupaan pagkatapos ng sagupaan ng kanilang junior coun-terparts sa alas-4:00 ng hapon.

Maghihiwalay naman ng landas ang San Sebastian College-Reco-letos at ang College of St. Benilde sa unang seniors game sa dakong alas-4:00 ng hapon pagkata-pos ng sagupaan ng kanilang junior counter-parts na Staglets at La Salle Greenhills sa pam-bungad na laban sa alas-11:30 ng umaga.

Sa tulong ng bagong coach na si Koy Banal na pumalit kay Nash Racela, umaasa ang San Beda na makakabawi sila sa kanilang nakakadisma-yang first round at sa 50-68 pagkatalo laban sa Dolphins noong June 25.

Matapos ang one-game suspension, mag-babalik naman si Leo Najorda upang duplikahin ng Stags ang 67-63 panalo sa Blazers noong July 8. (CVOchoa)

Show comments