Tanging ang Univer-sity of the Philippines na lamang ang hindi pa nakikipaglaban sa FEU at hangad nilang matuhog ang Maroons upang ma-sweep ang unang round ng eliminasyon.
Sa unang laro, baga-mat sinayang ng Univer-sity of Santo Tomas ang 21-puntos na kalama-ngan sa halftime at hinayaan nilang makahirit ng overtime ang National University, lumabas ang kanilang bangis sa huling maiinit na minuto ng laro tungo sa 107-100 panalo.
Sa juniors division, iginupo ng FEU Baby Tams ang De La Salle-Zobel, 67-57 upang solohin ang liderato taglay ang 5-1 record, habang umangat naman ang UST Tiger Cubs sa 2-4 record matapos ipalasap ang ika-anim na sunod na talo sa NU Bullpups, 82-61. Bumagsak ang Juniors Archers sa 4-2.
Sa womens divi-sion na ginanap sa Adamson gym, tinalo ng AdU Lady Falcons ang FEU Lady Tams, 48-46 upang saluhan ang Ateneo Lady Eagles sa liderato sa 2-0 record.
Nanalo rin ang Lady Archers sa UE Amazons, 77-52 at ang UP Lady Maroons kontra sa UST Tigress, 68-49.