Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Butch Ramirez, walang kailangang itago ukol sa pagpunta ng mga Malaysians at Singaporeans.
"We should not be pretend-ing sa kanila na magandang-maganda ang mga venues natin," wika ni Ramirez. "Lets be real about it that in the last four months talagang habulan na ito sa panahon."
Bibisitahin ng mga grupo ng Malaysians at Singaporeans ang mga venues para sa archery, athletics, aquatics, bowling, bodybuilding, badminton, basketball, cycling, equestrian, fencing, football, gym-nastics, shooting, taekwondo, lawn bowls, petanque at wushu.
Kasalukuyan nang ginagawa ang maalamat nang Rizal Memorial Track and Field Stadium sa Manila, habang inaayos naman ang nalumang Paglaum Stadium sa Bacolod City.
Kumpiyansa ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) na magiging maayos ang pagbisita ng mga atleta at opisyales ng Malaysia at Singapore.
"Halos 80 percent ready naman yung mga venues natin sa Bacolod and Cebu City, kaya theres nothing to worry about," ani PSC Com-missioner at Sports and Venues chairman Richie Garcia.
Ang Team A ng Malaysia nina Bow Beng Choo, Puah Pei Ling at Macklin Amzah ay pupunta sa Manila, Bacolod City at Cebu City, samantalang sa Manila at Cebu City ang Team B nina Noor Azman Mohd Kasim at M.P. Haridas ID. Menon at ang Team C nina Arrifin Mohd Ghani at Saadon Shukor ay sa Manila lamang.
Ang Team A ng Singapore nina Adam Bin Masbah, Alan Todd Vladich at Kenneth Lim Boon Yam ay bibisita sa Baco-lod City at ang Team B nina Lee Ping Hun Antony, Tay Hwei Chin, Chong Suat Yen Amy, Woon How Chiang Jason at Mak Weng Kin ay pupunta sa Cebu City. (Ulat ni R.Cadayona)