Bagong mukha nanalasa
July 31, 2005 | 12:00am
Nagnakaw ng eksena ang maliliksing tambalan mula sa Ateneo de Manila University mula sa mga beterana ng Petron Ladies Beach Volleyball Tournament kahapon, makaraang humatak ng dalawang tagumpay sa panimula ng ikatlong yugto ng torneo sa harap ng mga manonood sa Manila Baywalk.
Ginulat ng mga first-timers na sina Trisha Limgenco at Stella Baltao ang mga beach volley regulars na sina Daphne De Borja at Shiela Rose Teves, 21-11 sa opening game ng quarterly series na hatid ng Petron at inorganisa ni Tisha Abundo sa kooperasyon ng Manila Sports Council.
At muli ipinakita ng Ateneans na hindi tsamba ang kanilang unang panalo nang ipalasap ng magpartner kina Michelle Venecio at Venus Salvo ang 21-11 din na panalo at itatag ang sarili bilang paborito sa beach volleyball extravaganza na suportado din ng Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR, Toyota Pasong Tamo, Villa de Oro, ACSAT, Speedo (official outfitter) at Mikasa (official ball).
Si Masco chief Ali Atienza at ang kanyang kapatid na si dating Manila 5th District councilor Kim Atienza ang nagsagawa ng ceremonial serve sa dalawang araw na torneo.
Nakisosyo sa eksena sina Rolyn Marquicias at Sheryl Laborte, na umiskor ng lopsided na 21-2 panalo kina Mary Micah Mariano at Ingrid Verrayo.
Dinurog naman ng crowd favorite na sina Jene-vieve at Jennifer Lanuevo ng PATTS sina Renely Perez at Leah Sarmiento habang binugbog naman nina Charizza Camille Castro at Lorna dela Cruz sina Sarah Gonzaga at Acelyn Dubiao, 21-12.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am