Matapos mabigo sa unang asignatura, wala pang talo ang UE Red Warriors na nagsosolo na sa ikalawang posisyon matapos umangat sa 4-1 karta habang dumausdos naman ang AdU Falcons sa 2-3 marka.
Matapos kunin ang 46-31 halftime lead, higit pang lumayo ang bentahe ng UE na umabot ng isang buwan 72-42 bago matapos ang ikatlong quarter.
Sa unang laro, ipinamalas ni J. C. Intal ang kanyang pinakamagan-dang laro sa season na ito sa pamamagitan ng kanyang kumpletong performance upang ihatid ang Ateneo de Manila University sa kanilang unang back-to-back na panalo sa torneong ito nang kanilang pasadsarin ang University of the Philippines, 71-63.
Tumapos si Intal ng season-high na 23 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists, dalawang steals at dalawang blocks sa 35 minutong paglalaro upang iangat ang ADMU Blue Eagles sa 3-2 win-loss slate.
Sa pang-umagang laban namayagpag ang defending champion Ate-neo Blue Eaglets laban sa UP Integrated School, habang dinurog naman ng host AdU Baby Falcons ang UE Pages, 72-60.
Muling nakisalo sa liderato ang Blue Eaglets sa De La Salle Zobel at FEU Baby Tams bunga ng magkakatulad na 4-1 record habang umangat naman ang AdU Baby Falcons sa 3-2 kartada katabla ang UPIS Baby Maroons. Bumagsak ang UE Pages sa 1-4. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)