UAAP men's basketball: Falcons, 4th win tinuhog ng Red Warriors
July 31, 2005 | 12:00am
Naging magaan ang tagumpay ng University of the East nang kanilang dominahin ang laro kontra sa host Adamson University tungo sa 90-69 tagumpay na nagsulong sa Red Warriors sa ikaapat na panalo sa pagpapatuloy ng UAAP Mens basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Matapos mabigo sa unang asignatura, wala pang talo ang UE Red Warriors na nagsosolo na sa ikalawang posisyon matapos umangat sa 4-1 karta habang dumausdos naman ang AdU Falcons sa 2-3 marka.
Matapos kunin ang 46-31 halftime lead, higit pang lumayo ang bentahe ng UE na umabot ng isang buwan 72-42 bago matapos ang ikatlong quarter.
Sa unang laro, ipinamalas ni J. C. Intal ang kanyang pinakamagan-dang laro sa season na ito sa pamamagitan ng kanyang kumpletong performance upang ihatid ang Ateneo de Manila University sa kanilang unang back-to-back na panalo sa torneong ito nang kanilang pasadsarin ang University of the Philippines, 71-63.
Tumapos si Intal ng season-high na 23 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists, dalawang steals at dalawang blocks sa 35 minutong paglalaro upang iangat ang ADMU Blue Eagles sa 3-2 win-loss slate.
Sa pang-umagang laban namayagpag ang defending champion Ate-neo Blue Eaglets laban sa UP Integrated School, habang dinurog naman ng host AdU Baby Falcons ang UE Pages, 72-60.
Muling nakisalo sa liderato ang Blue Eaglets sa De La Salle Zobel at FEU Baby Tams bunga ng magkakatulad na 4-1 record habang umangat naman ang AdU Baby Falcons sa 3-2 kartada katabla ang UPIS Baby Maroons. Bumagsak ang UE Pages sa 1-4. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended