Gorrez vs Kengkarun sa San Andres gym
July 30, 2005 | 12:00am
Malalaman na mamayang gabi kung sino kina Z Gorres at Deeden Kengkarun ng Thailand ang mas macho sa kanilang 10-round super-flyweight nontitle fight sa San Andres Civic and Sports Center sa Malate, Manila.
Kahapon ay tumimbang ng 115 lbs sina Gorres at Kengkarun samantalang pumasa rin sa timbangan sina Philippine bantamweight champion Joel Bauya at challenger Michael Domingo sa harap ng opisyales ng Games and Amusements Board at maging ang mga kilalang personalidad sa larangan ng boksing sa Pilipinas.
Dinaluhan kahapon nina Rod Nazario, Ramon Lainez at Gerry Garcia ng In This Corner, Tony Aldeguer at Sammy Gello-ani ng Cebu at maging ang Amerikanong si Michael Koncz ang official weighin.
Si Koncz ang siyang nagdala kay Bobby Pacquiao sa Amerika noong isang buwan upang talunin nito si Carlos Navarro sa Fresno, California. Si Koncz din ang magdadala sa isang pang rising star na si Rey "Boom Boom" Bautista sa isang buwan upang isabak sa Sacramento, California.
Ibig ni Gorres na talunin si Kengkarun sa pamamagitan ng knockout upang lumakas ang tsansa nitong mapalaban sa Orient-Pacific title bago matapos ang taon at sa world title sa darating na 2006.
Sina Aldeguer at Rudy Salud ang may hawak kay Gorres subalit kapansin-pansin na hindi sumipot si Salud kahapon. Inaasahan na dadaluhan niya ang paboksing upang ipakita sa kanyang boksingero ang importansya.
Upang lalong magningning ang labanan ay magsisilbing roundcard girls ang ilang miyembro ng Viva Hot Babes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended