^

PSN Palaro

Ingrato mas malala kaysa nabubulok na tuhod

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Isang basketball league ang maari nang magpalit ng kanilang commissioner soon.

Yan ang headlines sa mga diyaryo nung isang araw.

Oh eh di ba, naisulat at naibalita ko na yan sa inyo nung isang buwan pa ?
* * *
Grabe ang NCAA nung Miyerkules!

Napakaganda ng dalawang laro at siyempre, napaka-exciting nung Letran vs. PCU.

Sinasabi nilang preview na raw ito ng maaaring mangyari sa finals, and true enough, pinatunayan lang ng PCU at Letran na pang-championship nga ang laban nila.

7-0 na ang Letran at sigurado na yan sa Final Four.

Ang aalamin na lang natin eh kung may makakatalo pang team sa Letran on the way to the second round....

Wala pa si Ronjay Enrile nyan ha....

O baka naman mas gumanda ang laro ng Letran nung mawala si Ronjay Enrile?

Baka nga noh?
* * *
Kawawa naman si Willie Miller. Na-injury pa sa Jones Cup.

Earlier, na-injury din si Ren ren Ritualo sa practice pa lang kaya di na naisama sa Jones Cup line-up.

Ilang buwan din silang magpapahinga to get back to form.

Sana wala nang susunod pa...
* * *
Dalawang magagaling na players ang kailan lang ay nag-retiro na naman sa PBA.

Way beyond the retirement age pa sila pero ngayon pa lang, wala na, di na nila kaya, at wala nang kumukuha sa kanila.

Forced to retire, ika nga.

Mga bata pa naman sila eh kung bakit kay aga nilang humina ang mga tuhod at hirap nang lumaro at wala nang may tiwala sa kanilang teams.

Ngayon lang nila na-realize na sa basketball, mas mabilis maka-pagpahina ng tuhod at makapagpa-laos ang kawalan ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanila ng lubusan nung nasa college at PBL pa lamang sila.

Sus, napakarami ng players na ganyan na nang makatikim ng glorya sa PBA eh madaling nagka-amnesia.

Too late na nila na-realize ang ugaling ganito at mabilis pa sa kidlat na nag-alis ng ningning sa kanilang mga basketball careers.

Kukulangin ang aming espasyo kapag inisa-isa ko ang pangalan ng mga players na ganyan ang ugali at ngayon eh kaybilis nawalan ng puwang sa basketball samantalang ang gagaling naman noong nasa college af PBL pa lang sila.

Ngayon lang nila napagtanto na mas mabilis na makabulok ng tuhod ang pagiging ingrato!
* * *
Ang aming survey question for the week: Aling team ang sa palagay nyo ay magtsa-champion sa UAAP 2005 season? Tulungan nyo naman kami sa survey na ito. Type nyo lang ANSWERNAP (space) your message ( space) inyong pangalan at i-send sa 34822 para sa Talk N Text at Smart subscribers.

vuukle comment

CENTER

FINAL FOUR

JONES CUP

LANG

LETRAN

NGAYON

RONJAY ENRILE

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with