Ang naturang tatlong personalidad ang siyang magsasagawa ng cere-monial toss sa dalawang araw na volleyball extra-vaganza, kasama ang organizer na si Tisha Abundo at kinatawan ng ibat ibang sponsors gaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR, Toyota Pa-song Tamo, Villa de Oro, ACSAT, Speedo (official outfitter) at Mikasa (official ball).
Sa kauna-unahang pagkakataon sa nakali-pas na tatlong kasaysa-yan, idaraos ang Petron tournament sa pusod ng premier city matapos ang kanilang pagtatanghal sa Island Cove sa Cavite, Subic Bay Freeport, Clearwater Country Club sa Clarkfield, Pampanga, Cantada Sports Center sa Bicutan at La Salle-Greenhills sa San Juan.
Ang mananalo sa beach volley event na ito ay tatanggap ng P10,000 at tropeo kung saan ang runner-up ay pagkaka-looban ng P5,000 at tropeo.