"Sa ngayon, halos lahat naman ng venue ay ready na para mag-host ng event ng 2005 Southeast Asian Games," sabi ni PHILSOC Sports and Venues Operations chairman Richie Garcia. "All of these are being taken cared of."
Ang mga tinutukoy na venue ni Garcia na gagamitin para sa 23rd SEA Games ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila, ang PhilSports Complex sa Pasig City, Cuneta Astrodome sa Pasay City, Makati Coliseum sa Makati City at mga satellite venues na Bacolod City, Cebu City at Subic Bay Freeport.
Mula sa Cebu City, inilipat naman ng taekwondo association ang kanilang kompetisyon sa Cuneta Astrodome.
Dinala ng equestrian federation ang kanilang labanan sa Ayala Alabang Golf and Country Club galing sa Eastridge Golf and Country Club sa Antipolo City.
Pinagpipilian naman ng biliards and snooker congress ang Cuneta Astrodome at Pearl Plaza sa Parañaque para sa kanilang venue. (RC)