^

PSN Palaro

Pinoy athletes na nagsasanay sa China, nagkasakit

-
Dahilan na rin sa pagbabago ng klima, ilang Filipino athletes ang tinamaan ng iba’t ibang sakit sa kanilang ginagawang paghahanda sa Guangdong at Guangxiao sa China.

"Hindi naman malala ito na katulad ng cancer. Normal lang sa mga tao na nagkakasakit dahilan sa pagbabago ng klima," wika kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez. "Parang less oxygen doon at high humidity."

Ilan sa mga naging sakit ng mga atleta sa dalawang probinsya sa China ay tonsillitis, flu at hepatitis.

Ayon kay Ramirez, ipadadala niya sa China sa Biyernes si Dr. Raul Alcantara ng Philippine Center for Sports Medicine (PCSM) para opisyal na tingnan ang kalagayan ng naturang mga atleta.

"Siguro by next week may official medical reports na siyang dala para sa atin. By then malalaman natin kung may dapat ba tayong pauwiin," sabi ni Ramirez.

Kabuuang 70 atleta galing sa gymnastics, weightlifting, swimming at diving ang kasalukuyang nasa Guangdong at Guangxiao, China para sa kanilang two-month training bilang preparasyon sa 23rd Southeast Asian Games.

"Talagang matindi ang training nila doon under the former Olympians and world champions of China. Siguro after this first batch, baka may second batch pa tayong maipadala sa August," dagdag ni Ramirez.

Samantala, nakatakda namang dumating sa bansa sa Hulyo 31 ang tatlong tropa ng Malaysia at dalawang grupo ng Singapore para bisitahin ang mga venues ng 31 sports events na gagamitin sa 2005 SEA Games. (Ulat ni Russell Cadayona)

DR. RAUL ALCANTARA

GUANGDONG

GUANGXIAO

PHILIPPINE CENTER

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RAMIREZ

RUSSELL CADAYONA

SIGURO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS MEDICINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with