Ilang buwan na lang

Tatlong buwan na lang ay itatanghal na ang 23rd Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa November ng taong kasalukuyan.

At bagamat, hindi stable ang ating bansa sa ngayon dahil sa mga nangyayari sa gobyerno, siniguro pa rin na matutuloy ang pagdaraos ng SEA Games.

Masyado ng sagad sa kahihiyan ang Pilipinas at siguro nga kahit na kapos sa pananalapi, kailangan na ring matuloy ang SEA Games upang kahit konti ay maiangat ang imahe ng ating bansa.

Sana naman!

Sa ngayon, wala pa ring balita sa ginagawang paghahanda ng ating mga atleta maliban sa ilan na nakakuha ng ‘mahusay na godfather’ tulad ng San Miguel Corporation. Ang SMC ay may 17 sports na iniisponsoran-- men’s at women’s basketball, muay thai, athletics, lawn bowling, men’s at women’s boxing, karatedo, rowing, baseball, softball, dancesports, archery, at yung iba na hindi ko matandaan dahil sa dami.

Anyway, kaya naman nababanggit ko ang mga ito, kasi so far, ito lang ang mga nasabing sports na sponsor ng SMC ang madalas may release sa mga nangyayari sa kanilang preparasyon o paghahanda para sa biennial game. Yung iba bukod sa taekwondo ay wala na. Suwerte din kahit papaano ang women’s volleyball dahil nagkaroon ng chance ang ilang national players na mahasa ang kanilang talento dahil sa pagsali sa Shakey’s V-League. Pero sa ngayon, marami pa ring sports ang wala man lang kahit na anong balita tungkol sa kanilang paghahanda.

O well, baka makapag-deliver naman sila sa actual SEA Games competition.

Harinawa!
* * *
Abala din ang taekwondo sa kanilang paghahanda at sa katunayan nasa Korea sila. Marami ding sinalihang interna-tional competition ang jins na bahagi ng kanilang paghahanda sa SEA Games.

Kumusta naman kaya ang ibang sports natin?
* * *
Kahapon, idinaos ang eleksiyon ng Philippine Basketball Federation Inc., ang bagong grupo na papalit sa Basketball Association of the Philippines.

May maganda na kayang kinabukasan ang Philippine basketball sakaling mabuo na ito?

Show comments