Lady Archers silat sa Adamson belles
July 26, 2005 | 12:00am
Ipinakita na ng Adamson U ang kanilang bangis sa womens volleyball matapos na igupo ang defending champion De La Salle sa isang oras, 11-minutong labanan at iposte ang 25-20, 25-23, 13-25, 20-25, 15-13 at iposte ng Lady Falcons ang kanilang ikalawang sunod na panalo laban sa Green Archers sa pagbabalik ng aksiyon noong Linggo sa University of the Philippines gym Diliman.
Ito ang ikalawang dikit na kabiguan ng Green Archers sa ganoon ding dami ng asignatura.
Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang lumasap ang Santo Tomas U, runner-up ng kanilang ikala-wang sunod na pagkatalo sa mga kamay ng UP, 25-22, 25-16, 10-25, 17-25, 15-10.
Kasalo ng UP na may mag-kawangis na 2-0 kartada ay ang University of the East Red Skirts na nanaig laban sa Ateneo Lady Eagles, 25-18, 25-22, 23-25, 26-24 at ang Far Eastern Lady Tamaraws na nagpabagsak naman sa National U, 25-6, 25-15, 25-11.
Samantala, pinayukod ng defending mens volleyball titlist FEU ang Adamson, 25-19, 14-25, 25-18, 20-25, 16-14 para sa kanilang 2-0 kartada na siya ring record ng UP na umiskor naman ng 25-20, 25-22, 25-18 panalo laban sa UE.
Sa iba pang resulta, tinalo ng UST ang Ateneo, 25-10, 25-15, 25-8 at nasilat ng De La Salle ang NU, 25-23, 25-22, 25-22.
Sa pagdako naman ng aksiyon sa basketball sa Adamson Gym, bagamat siyam na manlalaro lamang ang inasahan ng Ateneo, nagawa pa rin nilang malu-sutan ang mahigpit na laban ng FEU, 41-38 kung saan sumandig ang Lady Eagles sa mga balikat nina Stephanie Lee Villanueva na tumapos ng 13 puntos at Christine Chua na kumana naman ng 10 puntos.
Sa iba pang womens basketball match, walang hirap na tinalo ng UP ang De La Salle, 2-0 sa pamamagitan ng default.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended