Liranza darating na sa bansa para igiya ang mga boxers
July 25, 2005 | 12:00am
Matapos ang mahabang paghihintay, tila mapapangiti na ang Amateur Boxing Associa-tion of the Philippines (ABAP).
Ibinalita ni ABAP secretary-general Roger Fortaleza na inaasahan na nila ang pag-dating sa bansa ni Cuban head coach Raul Fernandez Liranza sa unang linggo ng Agosto.
"Inaasahan na namin ang pagdating ni Liranza sa first week ng August kasi tapos na yung dalawang importanteng tournament na sinalihan ng Cuba sa Venezuela at Mos-cow," wika ni Fortaleza.
Ang 55-anyos na si Liranza ang siyang umagapay sa Cuban boxing team sa Battala de Carabobo sa Venezuela at sa World Cup sa Moscow.
Ang Cuban mentor ang tumulong kay Filipino light flyweight Mansueto Onyok Velasco, Jr. para makuha ang silver medal sa 1996 Olympic Games sa Atlanta, USA.
"Siyempre, malaking ad-vantage talaga kapag si Liran-za ang umaayos sa boxing program natin," ani Fortaleza. "Ayaw nga siyang pakawalan ng Cuban Boxing Commission napilit lang natin."
Si Liranza ang gigiya sa mga Filipino boxers sa pagha-handa sa darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Tanging si light fly Harry Tanamor ang nakapag-uwi ng gintong medalya sa nakaraang SEA Games sa Vietnam. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended