^

PSN Palaro

Chinese-Taipei vs RP sa finals

-
Pinabagsak ng po-werhouse Chinese-Tai-pei ang Japan sa pama-magitan ng sunud-sunod na hits para ilista ang 9-0 pananalasa kahapon at isaayos ang title show-down kontra sa Team Philippines sa 2005 Asia Pacific Bronco Baseball Championship sa Sto. Niño Baseball grounds sa Marikina City.

Ang Pinoy, na binu-buo ng mga panguna-hing clouters ng Lungsod ay halos nasiguro na ang isang finals berth noong Biyernes makaraang sor-presahin ang Japanese, 7-2, ang tagumpay na bumura din sa walong taong pagkauhaw sa kanilang kalaban sa Far East.

Ang host na dinaig ng Chinese-Taipei, 3-15 noong isang araw, ay nagtapos na may 1-1 (win-loss) slate habang ang Japan na binubuo ng mga players mula sa Kat-sushika area ay uuwi ng walang panalo makali-pas ang dalawang laban.

Ang one-game finale ay nakatakda ngayong ala-una ng hapon.

Sa laban na ito, naka-tuon ang pansin kay Laurren Vispo, na nag-pitch ng five-hitter at nag-stike out ng 13 batters sa panalo ng Pinoy sa Japan noong opening day ba-gamat mas nahaharap ito sa mas mababangis na lupon ng hitters ng reigning titlist.

ANG PINOY

ASIA PACIFIC BRONCO BASEBALL CHAMPIONSHIP

BIYERNES

CHINESE-TAI

CHINESE-TAIPEI

FAR EAST

LAURREN VISPO

LUNGSOD

MARIKINA CITY

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with