Matapos magtala ng pinakamabilis na oras na 2-hours, 22-minutes at 18 second sa tinatayang 51,000 mananakbong sumali kahapon, si Vence ang magdadala ng pangalan ng bansa sa tatlong malalaking international run na kung siya lamang ang masusunod, nais niya sa Boston Marathon na isa sa pinagpipilian.
"Gusto ko sana ulit doon (Boston Marathon), kasi last April nasa 148 ako out of 40,000 runners. Hindi ako komportable eh, dapat nga nasa top 10 ako, nagkaroon lang ako ng cramps," wika ng 39-anyos na si Vence na isi-nantabi rin muna ang pagreretiro sa pagtakbo matapos ang tagumpay na ito na nagkaloob sa kanya ng P75,000 na premyo.
"Siguro after Southeast Asian Games na ako mag-iisip ng retirement ko," sabi ni Vence na umagaw ng titulo kay Allan Ballester na hindi nakasali dahil nagkasakit. "Siyempre, lahat naman tayo tatan-da, kaya gusto ko mu-nang makapagbigay ng karangalan sa bansa natin."
Makakasama ni Vence si Ballester na magdadala ng pangalan ng bansa sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre 27-Disyembre 5.
Sumegunda kay Ballester si Cresenciano Sabal (2:25.36) para sa P50,000 runner-up prize at Reynaldo Delos Reyes (2:27.40) na mayroon namang P40,000 bilang third place.
Nagpakita naman ng malaking potensiyal para sa SEA Games si Christabel Martes nang pamunuan nito ang womens division sa posibleng bagong record time na kailangan pang iberipika.
Isinubi ng 25-anyos na si Martes ang P50,000 nang magsumite ito ng tiyempong 2:38.44 na sinasabing ba-gong record matapos lampa-san ang 2:45.48 na siya ring nagtala noong 2002 Hong-kong Marathon.
Pumangalawa si Melinda Manahon sa oras na 3:03.28 kasunod si Liza Delfin na may tiyempong 3:12.04 bilang third place.