Phil. Star, San Miguel-Powerade sa masters finals

Umusad sa masters finals ng 2005 Sports-house Corporate Cup Invitational Badminton tournament ang Philippine Star at San Miguel-Powerade maka-raang magposte ng magkaibang panalo sa Cross-over semis noong Biyer-nes ng gabi sa SM Mega-mall.

Dinimolisa ng Philip-pine Star, nanguna sa Group 1 na may imaku-ladang 3-0 win-loss record, ang 105.1 Cross-over-Alabang Country Club, 5-0.

Pinayuko nina Analyn Delgado at Maan Leynes sina Ui Mendoza at Mariel Tiangco, 15-11, 15-8 sa unang ladies doubles, nalusutan nina Rodolfo Gutierrez at Alex Cuevas sina Paul Martinez at JV Madrid sa unang men’s doubles, 15-3, 13-15, 15-7, bago sinundan ng tagumpay nina Jhona Magnaye at Marife Duran sa pamamagitan ng 17-15, 15-8, sa ikalawang ladies doubles, binugbog naman ng tambalang Brandon Chan at Miguel Belmonte sina Nonoy Campus at Fisher Chua, 15-9, 15-7 sa ikalawang men’s doubles bago tinapos nina Melody Villa-ceran at Rodil Sertan ang panalo sa mixed doubles via 15-7, 15-9 kontra kina John Campos at Casey Ang-Sy.

Nalusutan naman ng unang ladies at men’s doubles players ng Powerade ang mahigpit na hamon ng kanilang kalaban tungo sa 3-2 panalo laban sa Advance Solutions, Inc.

Sa second Mars Cup all-trainers event, ginapi ni singles champion Ed-ward Namoco ng Manila Polo Club si Jonathan de Vera ng Quezon City Sports Club, 10-15, 15-3, 17-16 upang umusad sa finals kontra sa kakam-ping si Ruel Inciong na umiskor ng 15-7, 15-9 laban kay Erwin Santos ng Powersmash.

Sa men’s doubles, nagtulong sina Santos at Junior Chua ng Power-smash para patalsikin ang defending cham-pions na sina Abay San-tiago at Randy Mariquit ng Club 650, 15-7, 15-8 at isaayos ang title show-down kina Jonathan at Rommel Parone ng Zone na nanaig kina Namoco at Inciong, 15-13, 15

Show comments