Pagtatag ng Athletes’ Commission para sa kabutihan ng mga atleta

Ang pagpapabuti sa kala-gayan ng mga national athletes ang pangunahing layunin ng bagong tatag na Athletes’ Commission.

Sinabi ng pangulo nitong si national wrestler Marcus Valda na inaasahan nang mabubuo ang mga alituntunin at pata-karan ng Athletes Commission sa mga susunod na araw.

"This commission is really new and the ground has not completely laid out yet," sabi ng 2003 Vietnam Southeast Asian Games double-gold medal winner. "But we’re confident that these things will be taken cared of soon."

Binigyan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Co-juangco, Jr. ang Athletes‚ Commission ng boses kaug-nay sa mga isasagawa nilang Executive Board meeting.

Makakasama rin ang naturang grupo ni Valda sa mga gagawing desisyon ng POC.

"Who better would know what the athletes would need than athletes itself. We’ll do our best to make things better for the athletes," ani Valda sa kanyang plano para sa Ath-letes’ Commission na binubuo ng siyam na babae at isang lalaki sa katauhan ni Olympian rower Benjie Tolentino.

"A lot of us are training right now for the 23rd Southeast Asian Games in November. And I hope that all the support will come through," sabi ni Valda.

Ipinarating na rin ng tropa kay Presidential Daughter Luli Macapagal-Arroyo ang kani-lang mga problema sa idinaos na consultation meeting noong Martes sa Ninoy Aquino Stadium. (RCadayona)

Show comments