Solo liderato pakay ng UP Maroons

Muling masolo ang liderato ang pakay ng University of the Philippines sa kanilang pakikipagharap sa University of the East sa pagpapatuloy ng UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Alas-2:00 ng hapon ang sagupaan ng UP Maroons at UE Red Warriors kung saan tangka ng una ang ikaapat na sunod na panalo upang makakalas sa pakikisalo sa liderato sa Far Eastern University na katabla nila sa 3-0 kartada.

Sa ikalawang seniors game, magsasagupa na-man ang host Adamson University at ang defen-ding champion De La Salle University sa alas-4:00.

Hangad ng AdU Fal-cons na makakalas sa pakikipagtabla sa UE Red Warriors sa 2-1 kartada habang nais naman ng Green Archers na maka-bawi sa dalawang sunod na talo para makahiwalay ng landas sa Ateneo de Manila University sa 1-2 kartada.

Sa juniors division, maghaharap naman ang UP Integrated School at UE Pages sa pambungad na laban sa alas-9:00 ng umaga na susundan ng sagupaan ng La Salle Zobel at AdU Baby Fal-cons sa alas-11:00. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments