Ayon kay Seiji Kanai, ama ng naaksidenteng si Kenji Kanai, nagsabi na sina First Secretary at Chief Consul Kiyoshi Takeuchi at Vice-Consul Shiro Furihata ng Embahada ng Japan na tutulong sila sa anumang paraan upang makamit ng namatay na iskolar ang katarungan sa lalong mada-ling panahon.
"I met with them this week, and they promised that they would help with what-ever legal proceedings will take place," sinabi ng naka-tatandang Kanai sa Pilipino Star Ngayon. Ang nakaba-batang Kanai, isang senior sa Benedictine International School, ay napatay nang mabundol ng isang Toyota Corolla na may comme-morative Philippine National Police license plate sa harapan ng Ateneo de Manila noong Sabado.
Ang biktima, ay mama-mayan ng Pilipinas at ban-sang Hapon.
Ang nakatatandang si Kanai ay nakatakdang lumi-pad patungong Tokyo dahil pinatawag siya ng Japanese Ministry of Justice at Ministry of Foreign Affairs, nang sa gayon ay makuha nila ang mga mahahalagang doku-mento ng kaso, na ngayoy nakasalang na sa Quezon City Regional Trial Court.
"I am also supposed to meet Senator Akada, be-cause he is very interested in the case," dagdag ni Kanai. "They want to assist the Philippine government and our lawyers in making sure all the proper processes are followed."
Sinabi pa ni Kanai na ninais na ng pamahalaang Hapon na makialam nang mabalitaan nila ang di-magandang pagtrato sa pamilya ng biktima.
Nagreklamo ang pamilya Kanai na pinaboran ng mga pulis ang suspek, isang nagngangalang Timothy Abejuela, 21. Noong una siyang dalhin sa Camp Karingal, inilagay siya sa isang opisinang may aircon, at naka-lilibot siya sa loob ng pre-sinto. At ayaw ng mga pulis na bigyan man lamang siya ng alcohol o drug test, kahit na iniutos na ito ng piskal. (Ulat ni Bill Velasco)