Nag-pitch ng five-hitter si Luarren Vispo at nag-strike out ng 13 batters sa no-relief job nang iposte ng Pinoy ang kanilang unang tagumpay laban sa Japan sapul nang una nilang tinalo ang Japanese may walong taon na ang nakakalipas sa Ota, Japan.
"Iniisip ko po kasi na Pilipinas na ang dinadala namin kaya ginalingan ko talaga," anang 12 anyos na si Vispo na nag-aaral sa Barangay Sta. Elena pero naninirahan sa Nangka ng lungsod na ito sa tabing ilog ngunit kilala sa paggawa ng world-class na sapatos.
"Maganda ang pitching niya at mukhang hindi siya napagod," ani RP team coach Lito Ordo-ñez, na siya ring commis-sioner ng softball at base-ball program ng naturang lungsod.
Nauna rito, dumalo sa maikling opening cere-mony ng apat na araw na torneo kung saan nakataya ang karapatang kuma-tawan sa Bronco Baseball World Series na nakatak-da sa Agosto 4-10 sa Monterey, California sina Marikina Mayor Maria Lourdes Fernando (MCF) at organizing Philippine Tot Baseball Foundation president Boy Tingzon, kasama ang founding tot baseball president na si Rodolfo Tingzon, Sr.
Kasalukuyan namang naglalaro pa ang power-house Chinese-Taipei, nagwagi sa nakaraang edisyon na ginanap sa Beijing, China at host Marikina City, guest team na naghahanda para sa Pan Pacific Baseball Games na nakatakda ding gawin dito sa Agosto 12-16, sa isang exhibition game habang sinusulat ang balitang ito.
Nakatakdang makalaban ng mga Pinoy ang mata-tangkad at malakas pumalo na Taiwanese ngayong alas-10 ng umaga na magsisilbing preview ng kampeonato.