May sikat pa ba sa PBA?
July 22, 2005 | 12:00am
Ang survey question namin this week na pinasasagutan namin since last Wednesday ay SINO ANG PINAKAPOPULAR NA PBA PLAYER NGAYON?
Alam nyo bang nakakaloka yung isang sumagot sa text.
At ano ang sagot niya?
"Bakit, may sikat pa ba sa PBA ngayon? Manonood na lang ako sa UAAP at NCAA, dun marami pang sikat."
Ha ha ha...
Parang tama siya.... ha ha ha!
Patuloy pa rin ang survey question na yan this week. Tulungan nyo po kami sagutin ang katanungan na yan: Sino ang pinakasikat ngayong PBA player?
Type nyo ang ang ANSWERNAP (SPACE) your answer ( space) inyong pangalan at i-send sa 34822, para po yan sa Talk N Text at Smart subscribers.
Ilalathala po namin ang resulta dito next Wednesday pero ibabase lang namin sa first 500 text messages na makukuha namin.
So far, sa maraming sagot na nakuha namin, frontliners sina Mark Caguioa, Jimmy Alapag, JJ Helterbrand, Eric Menk at James Yap.
Marami ang nagsasabing pinakasikat si James Yap dahil na-link siya kay Kris Aquino.
Headline: Bring back the PBA crowd. Sabi ng bagong chairman ng PBA na si Ely Capacio.
Sana nga. Harinawa. Wish ko lang.
Ipagdasal natin.
Headline pa rin: RP-PBA team loses to US.
Susmaryosep, asa ka pa? Anong bago dyan? May iba ka pa bang resultang inaasahan?
Kung yang ginastos na mga dollars dyan sa US trip na yan ng RP team natin eh ibinigay na lang sa mga mahihirap na fans ng PBA, tiyak na mas marami pang natuwa.....
Eh tanong nga ni Juan de la Cruz, sa gitna ng paghihirap ngayon ng mga Pinoy, ano pa bang mahihita natin sa RP-PBA team campaign na yan sa US?
Ano nga ba?
Siyanga pala, ang magazine na para sa mahihilig sa Cars, gadgets, sports at sexy girls ay magdiriwang na ng kanilang first anniversary bukas. Yan po ang Toyz for the Boyz at ang kanilang celebration ay gaganapin sa lounge and bar nila na nasa East of St. Louis sa may Sgt. Esguerra st. sa QC. Napakarami nilang inihandang pakulo tulad ng car show at fashion show, sabi ni Mel Macasaquit, ang publisher ng Toyz for the Boyz. Napakalayo na ng narating ng magazine na ito dahil biro nyo, very soon ay magiging isang TV show na rin ito.
Inaasahang dadalo ang mga past cover girls ng Toyz for the Boyz tulad nina Andrea del Rosario at Gwen Garci at marami pang ibang sexy stars. Marami na rin namang basketball players na na-feature sa magazine na ito kaya tiyak na may darating ding mga PBA players.
Congratulations, Toyz for the Boyz!
Alam nyo bang nakakaloka yung isang sumagot sa text.
At ano ang sagot niya?
"Bakit, may sikat pa ba sa PBA ngayon? Manonood na lang ako sa UAAP at NCAA, dun marami pang sikat."
Ha ha ha...
Parang tama siya.... ha ha ha!
Type nyo ang ang ANSWERNAP (SPACE) your answer ( space) inyong pangalan at i-send sa 34822, para po yan sa Talk N Text at Smart subscribers.
Ilalathala po namin ang resulta dito next Wednesday pero ibabase lang namin sa first 500 text messages na makukuha namin.
So far, sa maraming sagot na nakuha namin, frontliners sina Mark Caguioa, Jimmy Alapag, JJ Helterbrand, Eric Menk at James Yap.
Marami ang nagsasabing pinakasikat si James Yap dahil na-link siya kay Kris Aquino.
Sana nga. Harinawa. Wish ko lang.
Ipagdasal natin.
Susmaryosep, asa ka pa? Anong bago dyan? May iba ka pa bang resultang inaasahan?
Kung yang ginastos na mga dollars dyan sa US trip na yan ng RP team natin eh ibinigay na lang sa mga mahihirap na fans ng PBA, tiyak na mas marami pang natuwa.....
Eh tanong nga ni Juan de la Cruz, sa gitna ng paghihirap ngayon ng mga Pinoy, ano pa bang mahihita natin sa RP-PBA team campaign na yan sa US?
Ano nga ba?
Inaasahang dadalo ang mga past cover girls ng Toyz for the Boyz tulad nina Andrea del Rosario at Gwen Garci at marami pang ibang sexy stars. Marami na rin namang basketball players na na-feature sa magazine na ito kaya tiyak na may darating ding mga PBA players.
Congratulations, Toyz for the Boyz!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended